Thursday, September 14, 2017

Rule #1

KAPAG INIWAN KA. WAG MO NG HABULIN. Bukod sa hindi mo naman siya nanay o tatay. Hindi naman yata niya dala ang pitaka mo. Syempre nasa bulsa mo lang iyon. Parang puso mo nakakabit lang sa loob ng katawan mo. Hindi naman siguro niya kinuha, di ba? Wala kang karapatan na habulin siya.

Sinasabi ko sa'yo, magmumukha ka lang tanga sa kahahabol sa kanya. Dahil wala naman siyang ibabalik sa'yo kundi sakit sa puso at luha. Paiiyakin ka lang niya at aasa ka lang. Tigang na ang mata mo. Nagka-heart disease ka pa.

Kapag humabol ka siguraduhin mo na hihinto siya. Pero kapag ginawa mo iyon, umasa ka lang din sa wala. Ang Pilipinas walang bus stop, bus station lang—meaning kapag huminto siya, maraming sasakay. Kaya 'wag na lang...

Kapag nagmahal ka, siguraduhin mo na magaling ka sa takbuhan. Para kapag naghabulan kayo. Siya ang mapapagod at hindi ikaw.

Rule #1

KAPAG INIWAN KA. WAG MO NG HABULIN. Bukod sa hindi mo naman siya nanay o tatay. Hindi naman yata niya dala ang pitaka mo. Syempre nasa bulsa...